Nakangiting ibinalita ni Diego Loyzaga na malaki ang posibilidad matupad sa susunod na taon ang kanyang pangarap na bahay sa isang lugar sa Commonwealth, Quezon City.
Napag-usapan ang bahay na ipagagawa ni Diego nang magtanong ang Cabinet Files tungkol sa educational plan para sa kanyang one-year-old daughter na si Hailey.
Read: Diego Loyzaga explains why he does not believe in marriage
“No, hopefully I won’t need it,” sagot ni Diego.
“I just put a down [payment] for my first house so, by next year, naitayo na. Things are looking great.
“Yung building process, ang haba pala ng proseso. Paglipat ng permit, building permits.
"Yung land, kailangan muna ilagay sa pangalan mo. Ang daming proseso pero bayad na, that’s the most important part.”
DIEGO'S DAUGHTER HAILEY: BORN IN AUSTRALIA, RAISED IN THE PHILIPPINES
Nagliliwanag ang mukha at ganadong-ganado sa pagkukuwento si Diego sa tuwing napag-uusapan si Hailey.
Read: Diego Loyzaga holds party for daughter's birthday, baptism
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Australian citizen si Hailey dahil isinilang ito sa Australia, pero gusto ng kanyang ama na palakihin siya sa Pilipinas.
Saad ni Diego, “She’s Australian so she has that decision na anytime she wants, she can go there.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
“Since hindi ako lumaki dito, hindi ako nasanay sa Philippine culture, I’d like her to masanay muna sa pagiging Pinoy bago siya lumipat sa abroad.
"Para yung core niya is Pinoy rather than how I had it na I was more Australian than I was Filipino.
"And it took my younger adolescent years trying to get rid of the Australian and become Pinoy."
Nagbahagi ng mga impormasyon si Diego tungkol sa pagiging “bida-bida” ng kanyang anak.
Pagbabahagi niya: “Hailey, she’s good! She’s good. Naglalakad na, tumatakbo na, nakakasalita na ng no, yes.
“She’s trying nang mag-sentence. She calls me Papa, minsan Papi.
“Wala nang sense yung lahat ng nabili kong mga cage. Kaya niyang akyatin, e.
“Nakakatakas na siya. She can talk already. Kapag bitbit siya, gusto niya maglakad.
"Isasama ko nga sana dito sa birthday party pero masyadong agaw-atensyon si Hailey.
"Bida-bida siya. Tatakbo yan diyan, aakyat ng stage," sabi ni Diego.
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Nakausap ng Cabinet Files si Diego sa 95th birthday celebration ni former First Lady Imelda Marcos sa bahay ng mga Marcos sa San Juan City, Miyerkules ng gabi, Hulyo 3, 2024.
Ikinuwento ni Diego nang isama niya si Hailey sa birthday party ng apo ng isang senador noong Hulyo 2, 2024.
“Akala mo birthday niya. Bida-bida siya. Aakyat ng stage, ang dami niyang ginagawa!” natatawang lahad ni Diego.
Tiniyak na hindi sa kanya nagmana ang anak dahil, aniya, “Mahiyain ako, hindi ako yon.”
Read: Baby ni Diego Loyzaga, may grand face reveal sa kanyang first birthday
TERESA LOYZAGA'S REVELATION
Naging bisita sa Fast Talk with Boy Abunda noong Hunyo 17, 2024 ang ina ni Diego na si Teresa Loyzaga.
Sa naturang panayam, nagkuwento si Teresa tungkol sa kanyang desisyong ipasok si Diego sa isang drug rehabilitation center.
Read: Teresa Loyzaga admits sending son Diego to rehab in 2018
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Mabigat sa pakiramdam niya na hindi sila nagkikita sa tuwing dumadalaw siya, kahit dingding at tarpaulin lamang ang nasa pagitan nila.
Ayon kay Diego, hindi nila napag-usapan ng kanyang ina ang mga rebelasyon nito sa programa ni Boy pero may permiso niya ang pagsasalita ni Teresa sa telebisyon.
Aniya, “We just came from Bohol, kasama si Mama, pero hindi namin napag-usapan.
“Yeah, she told me she’s going to Tito Boy pero hindi ko pa napapanood. I stay within my own world kaya hindi ko nababalitaan yung mga nangyayari.
“Alam ko yung [kuwento tungkol] sa kabilang kuwarto. Totoo talaga yon.
'Yung tarpaulin, hindi ko sure, pero I mean, totoo naman ‘yon.
“Ngayon ko lang nalaman because I take care of my baby and my baby momma [ina ni Hailey] all the time.
“People in showbiz, we don’t really like talking about showbiz, sa totoo lang.
"Or maybe it’s just us. Hindi namin napag-uusapa.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
“We went ATV-ing [all-terrain vehicle]. I brought Mama to Balicasag, pinag-dive ko siya. pero sisid lang, hindi naman scuba.
“I took her to my business in Bohol, the Coco Loco, it’s a Mexican restaurant.
"We all had dinner together as a family. Simple life, that’s my life now.”